Manila, Philippines – Umaabot sa higit 2,300 pamilya ang apektado sa pag-apaw ng Butalo river sa Maguindanao.
Dahil sa patuloy na pag-ulan, apektado na ngayon ang mga residente sa mga barangay ng Andavit, Animao, Butilen, Ganoy, Pindetin, Sambulawan at Tee sa bayan ng Datu Salibo.
Gayunman, tumatanggi ang mga residente na iwan ang kanilang mga tahanan sa pangambang mabiktima ng mga magnanakaw ang kanilang mga ari-arian at maging mga alagang hayop.
Simula pa noong Sabado ay nakaranas na ng tuluy-tuloy na pag-ulan ang malaking bahagi ng maguindanao resulta ng Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ.
DZXL558
Facebook Comments