Dumami pa ang mga pamilyang lumikas dahil sa inaasahang epekto ng pananalasa ng bagyong Tisoy sa Region 5 at Region 8.
Batay sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, pumalo na sa 890 families o 3,008 indibidwal ang lumikas para sa paghahanda sa epekto ng bagyong Tisoy.
Ang mga lumikas ay nagmula sa ilang barangay ng Camarines Norte, Camarines Sur at Masbate sa Region 5 at mga barangay sa Leyte at Northern Samar sa Region 8.
Sa ngayon, nananatili sila sa anim na evacuation centers.
4,603 pasahero, 1,025 rolling cargoes, 73 barko at 41 motor banca ang stranded matapos na hindi na payagang makapagbyahe dahil sa sama ng panahon.
Nang nakalipas na linggo ay una nang itinaas sa blue alert status ang alerto ng NDRRMC para paghandaan ang epekto ng bagyong Tisoy.