Mga Pampublikong Paaraalan sa Lungsod ng Cauayan, Nakatanggap ng mga Science Apparatuses at Manipulative Mathematics kit!

*Cauayan City, Isabela- *Matagumpay na naipagkaloob ng Pamahalaang Panlungsod ang mga Science Apparatuses at Manipulative Mathematics kit sa mga pampublikong paaraalan dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Gary Galutera, ang Co-Chairman ng Committee on Education, malaking tulong umano ito para sa mga mag-aaral lalo na sa larangan ng asignaturang agham at matematika.

Ayon pa kay Councilor Galutera, kulang umano sa kagamitan ang mga Science laboratory ng mga pampublikong paaralan dito sa Lungsod ng Cauayan kaya’t mainam lamang umano na makatulong sila sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang ipinamigay na kagamitan.


Mag-iikot rin umano sila sa mga paaralan na mabibigyan ng mga Science apparatuses upang maituro kung paano ang tamang paggamit sa mga ito.

Samantala, nagkaloob rin ang pamahalaang Panlungsod mula sa kanilang donor ng nasa limampung libong libro sa mga School based Learning Center at sa mga barangay learning Center dito sa ating Lungsod.

Facebook Comments