Manila, Philippines – Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Pigcawayan, North Cotabato na matutugunan nila ang lahat ng pangangailangan ng mga residenteng lumikas matapos sumalakay ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ayon kay Pigcawayan Municipal Administrator Jezler Garcesa – binuo na ang crisis management committee na tututok sa pagsisilikas sa mga residente.
Sinabi naman ni PNP North Cotabato Spokesperson, Chief Insp. Maria Joyce Birrey – ang detachment ng militar ang target ng mga rebelde.
Dumaan din ang ilan sa mga ito sa bundok ng Pigcawayan.
Samantala, nasagip na rin ang 30 sibilyan na naipit sa bakbakan.
Facebook Comments