
Sa nagpapatuloy na search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake, kinumpirma ng Department of Justice na may mga narekober na buto at mga gula-gulanit na damit mula sa lawa.
Kabilang na dito ang dalawang bungo ng tao na may mga ngipin at posibleng mga buhok.
Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, malaking tulong ang mga ngipin na narekober para i-match sa dental records ng mga nawawalang sabungero at magamit din sa DNA matching sa samples na nakuha sa mga kaanak ng mga biktima.
Humingi na ng tulong ang DOJ sa mga eksperto mula sa University of the Philippines at sa Japanese Government para suriin ang mga bagong rekober na buto at kung may tutugma sa mga DNA samples.
Facebook Comments









