Inanunsyo na ng Korte Suprema na magiging extended rin ang lahat ng inilabas nitong circular at kautusan na may kaugnayan sa COVID-19.
Kasunod na rin ito ng pag-apruba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na palawigin pa hanggang sa Abril a-trenta ang implementasyon ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Brian Hosaka, magiging epektibo parin ang lahat ng circulars at order na inilabas ng SC hanggang sa matapos ang extended quarantine.
Kanselado na rin ang nakatakda sanang summer session ng mga mahistrado ng SC sa Baguio City ngayong Abril.
Wala pang desisyon ang Korte Suprema kung maililipat ng petsa ang Supreme Court Summer Session
Facebook Comments