Nangangamote ka nanaman ba sa eskwelahan? Pansin mo bang kahit pumapasok ka araw-araw ay mababa pa rin ang iyong mga grado?
Narito ang sampung paraan ni Doc Willie Ong para tumaas ang iyong mga grado sa eskwelahan:
1. *KUMAIN NG MASUSTANSYANG ALMUSAL*. Ayon sa mga pagsusuri, ang mga batang kumakain ng almusal ay nakakakuha ng mas mataas na grado kumpara sa mga hindi nag-almusal. Mas alerto sila sa classroom at mas madali din nila natatandaan ang leksyon.
2. *UMUPO MALAPIT SA GURO*. May benepisyo kung ang estudyante ay malapit sa guro. Mas naririnig niya ang sinasabi ng titser at mas tanaw niya ang nakasulat sa blackboard.
3. *MATUTONG KUMOPYA NG ARALIN* (notes). Habang nagtuturo ang titser, matutong magsulat ng aralin sa notebook. Kapag walang laman ang iyong notebook, paano ka mag-aaral sa eksamen? Pagkatapos ng iyong klase, basahin muli ang iyong notes para siguradong naintindihan mo na ito.
4. *SUMALI SA USAPAN NG KLASE*. Huwag mahiyang itaas ang kamay at magtanong.
5. *KUMUNSULTA SA GURO*. Kung mayroon kang hindi naintindihan, puwede mo ito ikonsulta sa iyong guro pagkatapos ng klase.
6. *MAGTAKDA NG GOAL PARA SA IYONG SARILI*. Kung ang dating grado mo ay 75%, subukan mong abutin ang 85% sa susunod na grading.
7. *MAG-RESEARCH*. Para sa mga mahihirap na leksyon, matutong gumamit ng internet at libro sa library. Puwede ka rin magpatulong sa iyong kamag-anak.
8. *MAG-ARAL NANG PAKONTI-KONTI ARAW-ARAW*. Kapag ginagawa mo ito, hindi mo kailangan magmadali kapag araw na ng examen.
9. *SUBUKANG MAGTAKDA NG SCHEDULE*. Halimbawa, 5:30 PM hanggang 6 PM para sa math, 6 PM hanggang 6:30 PM para sa science, at iba pa.
10. *MAG-ARAL SA TAHIMIK NA LUGAR*. Isara muna ang iyong cell phone, iPod, internet at TV habang nag-aaral. Magbasa muna. Pagkatapos puwede ka nang maglaro.
Mga Paraan Para Tumaas Ang Grades Sa School
Facebook Comments