Sa Australia, umaabot sa 4,445 na mga bata ang inabuso ng mga Pedophile Priests. Sa report ng www.social-consciousness.com, sinasabing nagbayad ang Simbahang Katoliko ng halagang umaabot sa 213M Dollars sa pamilya ng mga batang inabuso.
Sinasabi pa ng nasabing website, sa panahon ngayon, parang kasing-kahulugan na umano ng Simbahang Katoliko ang Pangmomolestiya sa mga bata. Walang dapat ihingi ng paumanhin sa pagsasabi nito. Ito ang totoo, dagdag pa ng nasabing kritikong website.
Andami na umanong mga alegasyon, imbestigasyon, kaso at hinatulan ng korte na mga Paring Katoliko, Madre at iba pang myembro ng Simbahang Katoliko sa bansang Australia. Ang mga inabuso ay kinabibilangan ng mga batang lalaki, babae, ilan dito ay may edad 3 taong-gulang pa lamang, habang ang karamihan ay nasa edad 11-14.
Noong taong 2013, isinagawa ng Australian Royal Commission into Institutional Responses to Child Abuse ang mga pagdinig sa alegasyon ng pang-aabuso ng mga myembro ng Simbahang Katoliko. Noong 2017, nagpalabas ng report ang nasabing Commission na simula 1980 hanggang 2015, nagbayad ng 276.1 M Australian Dollars ($213M) ang Simbahang Katoliko ng Australia na kinabibilangan ng monetary compensation, pagpapagamot sa mga biktima, legal at iba pang mga bayarin.
Umabot sa 4,445 na mga kaso ang iniharap simula January 1980 hanggang February 2015. Umaabot sa 1,880 ang mga naiturong perpetrators kung saan 572 ang mga Pari, 597 mga Religious Brothers, 543 Lay People at 96 ang mga Madre. Karamihan sa mga perpetrators, 90 %, ay lalaki (Priests and Brothers) at karamihan din sa mga biktima ay mga batang lalaki.
Ayon pa sa report ng Australian Commission ang mga kabayaran ay umaabot sa average na $64,000 bawat isa.
pictures downloaded from and read more at:
www.social-consciousness.com/2017/06/catholic-church-paid-213-million-4445-children-sexually-abused-pedophile-priests-in-australia.html