Kinumpirma ni Solicitor General Jose Calida na nagkasundo ang petitioners at respondents na ibasurana lamang ang petisyon sa writ of Kalikasan may kinalaman sa isyu ng West Philippine Sea.
Una kasi rito, bago nagsimula ang ikalawang oral arguments sa nasabing petisyon, naghain si Calida ng manifestation at motion na may affidavits ng labing-siyam na petitioners na mangingisda mula Palawan at Zambales hinggil sa kanilang pag-withdraw ng kanilang lagda sa Writ of Kalikasan petition sa Korte Suprema.
Nagprisinta rin ng video footage si Calida kung saan lumalabas na walang alam ang mga mangingisda hinggil sa inihaing Writ of Kalikasan.
Ayon pa kay Calida, ipina-abot ng mga mangingisda kay Captain Angare, Legal Officer ng Naval Forces West Palawan ang kanilang pagkagulantang nang malaman nila sa balita na naghain daw sila ng kaso laban sa pamahalaan.
Sa Biyernes, maghahain ng joint motion ang petitioners at respondets hinggil sa pormal na pagpapabasura sa Writ of Kalikasan Petition.
Ang nasabing petisyon ay pinangunahan ng Intergated Bar of the Philippines.