Inabisuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga pasahero at mga empleyado ng airport sa Isabela na maging vigilant.
Ito ay dahil sa posibleng aftershocks matapos ang malakas na lindol kaninang umaga sa Maconacon, Isabela.
Kinumpirma naman ni CAAP Spokesman Eric Apolonio na patuloy ang inspeksyon ng kanilang mga tauhan sa Tuguegarao Airport
Sa ngayon aniya, wala namang pinsala sa runway ng nasabing paliparan.
Maging sa tower building aniya ay wala ring structural damage kaya nananatiling normal ang flight operations sa Tuguegarao Airport.
Facebook Comments