Halos 80 pang Pinoy repatriates mula Sudan, dumating sa NAIA ngayong hapon

Halos 80 pang mga Pilipino na naipit sa kaguluhan sa Sudan ang dumating sa bansa ngayong hapon.

22 sa mga ito ay mga bata at sanggol.

Inanunsyo naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ang bawat pamilyang inilikas mula Sudan ay makakatanggap ng tig-P50,000.


Kahapon, isang pamilya rin na naipit sa kaguluhan sa Sudan ang dumating sa bansa

Sa ngayon, halos 700 mga Pilipino na ang nakalabas ng Sudan.

Facebook Comments