Mga pasahero ng bus, unti-unti nang dumadagsa sa may Ayala EDSA

Dinadagsa na ng mga pasahero ang mga bus na inilagay sa ilalim ng Ayala MRT EDSA ngayong araw, June 29, 2020.

Ang mga nasabing bus ay mula sa Ayala EDSA na may biyahe papuntang Alabang, Sucat, at Bicutan.

Nasa 30 ang laman ng isang bus bago ito umalis, kung saan kalahati lang ito sa normal capacity ng bus para masunod ang social distancing sa loob ng bus.


Subalit, kapansin-pasin ang hindi pagkuha ng mga body temperature sa mga pasahero kung saan isa ito sa mga health protocol na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr).

Ikinatuwa naman ng mga commuter ang karagdagang bus dahil ani nila, kahit papano hindi na sila pahirapan sa pagpasok sa trabaho at pag-uwi ng kanilang bahay.

Ang mga bus na nasa Ayala EDSA ay bahagi ng Rationalized Bus Routes ng DOTr dahil na rin sa unti-unting pagbubukas ng mga ruta na base naman sa gradual, calibrated, at in phases approach na pinapairal ng pamahalaan sa pagbabalik-serbisyo ng pampublikong transportasyon.

Facebook Comments