Mga pasahero ng MRT-3, tutol sa panukala na maglagay ng ‘premium coach’

Mariing tinutulan ng mga pasahero ang panukala na gumawa ng business class premium coach ang MRT-3.

Ayon kay Regado Ramirez, commuter ng MRT-3 kahit wala pa aniyang business class premium coach ang MRT-3 ay talagang sasakay ang mga tao sa tren basta at maayos lamang ang sistema.

Una ng sinabi ni Senador Grace Poe sa budget hearing ng Department of Transportation o DOTr sa Senado na habang ginagawa ang Dalian Trains ay baka maaring maglaan ang MRT-3 ng hiwalay na coach para sa mga may kayang bayad ng mas mataas na pamasahe na P200 hanggang P300 ang ibabayad sa premium coach at ang kikitain naman dito ay babalik din sa DOTr para sa serbisyo ng ating mga kababayan.


Umalma naman ang mga pasahero ayon sa kanila punuan na ang MRT-3 at kung maglalaan pa anila ng hiwalay na coach para sa mga kayang magbayad, ay baka mas maging pahirapan ang pagsakay sa tren.

Pinag-aaralan pa kasi ng Sumitomo, ang maintenance provider ng MRT-3 ang kalidad ng Dalian train bago ito i-deploy.

Matatandaan kasi na binili ang Dalian trains noong nakaraang administrasyon sa gitna ng kwestyon sa kung compatible ba ito riles ng MRT-3.

Facebook Comments