Mga pasahero, panahon nang magbayad sa MRT-3 ayon sa DOF

Photo Courtesy: DOTr MRT-3 FB Page

Naniniwala si Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na panahon na rin namang magbayad ang mga pasahero sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay Diokno, malaki na ang inihusay ng serbisyo ng MRT-3.

Naging maganda na aniya ang mga tren nito, hindi na nagkaka -aberya at maayos na ang riles.


Bukod dito, regular na aniya ang dating ng mga tren sa mga istasyon, at dumami na ang bagon nito.

Ibig sabihin aniya ay maayos na ang pagbiyahe ng mga pasahero at nakabawi -bawi na ang MRT-3 sa mga naging sablay nito sa nakalipas na mga taon.

Matatandaang nagbigay ng libreng sakay sa MRT-3 ang Duterte administration sa nakalipas na tatlong buwan para maibsan ang pasanin dulot ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis.

Magpapatupad na lamang ng libreng sakay sa mga estudyante ang MRT-3 pagsapit ng Agosto sa pagsisimula ng face-to-face classes hanggang Nobyembre ng taong ito.

Facebook Comments