Kadete at 2 iba pa, Huli sa Pagbebenta ng Droga sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga awtoridad ang tatlong katao kabilang na ang isang kadete sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa isang apartment na ginawang drug den sa Zulueta Street, Purok 1, Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya kahapon, July 7, 2022.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2, kinilala ang nahuling kadete na si Limuel Valle kasama ang estudyanteng si Aaron Joshua Sison, kapwa 21-anyos at mga residente ng nabanggit na bayan.

Kabilang rin sa mga nadakip ang isang menor de edad na itinago sa pangalang β€œNonoy”.

Umabot sa mahigit kumulang limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000 ang nakumpiska mula sa mga suspek.

Bukod pa rito, nahulihan rin ang mga ito ng mga drug paraphernalia at mga bala ng Kalibre .38 at 9mm na baril.

Mahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act isinampa laban sa dalawang suspek habang ipinasakamay na sa kustodiya ng MSWD ang menor de edad.

Facebook Comments