500 pamilya, apektado ng flash flood sa Banaue, Ifugao

94
Photo Courtesy: Civil Defense PH FB Page

Nasa 1,500 indibidwal o 500 pamilya ang apektado ng pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan sa Banaue, Ifugao.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 6 na barangay ang lubog ngayon sa baha.

3 daan naman ang hindi passable sa mga oras na ito, kabilang dito ang:


1. Banaue -Mayoyao Alfonso Lista Isabela boundary Rd.
(Boundary Poitan, Banaue, Ifugao)

2. Banaue-Hungduan Benguet Boundary Rd.
(Brgys. Poblacion and Gohang, Banaue)

3. Nueva Vizcaya Ifugao-Mt. Province boundary Rd.
(Brgys. Amganad, Tam-an, Poblacion and Viewpoint, Banaue)



Isang bahay naman ang napaulat na totally damaged sa Banaue ayon pa sa NDRRMC.

Samantala, nakapagmahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 500 family food packs na nagkakahalaga ng ₱339,375 sa mga apektadong residente.


Facebook Comments