Lalo pang nadagdagan ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na dumadating sa NAIA nang walang bagahe.
Pinakahuling dumating kanina ay ang mahigit isang daang pasahero ng Philippine Airlines (PAL) mula Vancouver, Canada.
Ayon sa mga pasahero, walong oras na delayed ang kanilang flight pauwi ng Pilipinas.
Nilinaw naman ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na kailangan nilang mag-offload ng mga pasahero at bagahe dahil sa headwind at snow kung saan kailangang maitugma ang bigat ng eroplano para sa kaligtasan ng lahat.
Ayon kay Villaluna, ginagawa nila ang ganitong sistema para sa kaligtasan ng mga pasahero at flying crew.
Tiniyak naman ng PAL management na bukas ay dadating sa Pilipinas ang bagahe mula Vancouver.
Facebook Comments