Florida Bus Terminal sa Maynila, fully booked na hanggang Dec. 31

Fully booked na ang Florida Bus Terminal sa Sampaloc, Manila hanggang December 31.

Ang mga bus na ito ay biyaheng Cagayan at Ilocos Province.

Pero sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero na nag-walk-in sa naturang teminal.


Marami ring mga pasahero ang naghihintay ng schedule ng kanilang biyahe at umaasang makasasakay pauwi sa kanilang mga lalawigan at probinsya.

Pero sinisikap naman ng pamunuan ng terminal na maisakay ang lahat ng pasahero kahit na ang mga nag-walk-in.

Nasa 50 bus ang bumiyahe sa Florida Bus Terminal at may reserbang dalawang bus para sa mga dadagsa pa.

Samantala, iniinspeksyon naman ng LTO ang kada aalis na bus upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero na uuwi sa kanilang mga probinsya.

Facebook Comments