Mga pasalubong na De lata ng isang OFW mula Hong Kong, nagpositibo sa African Swine Fever

Nagpositibo sa African Swine Fever ang mga pasalubong na de lata ng isang Overseas Filipino Worker galing Hong Kong.

March 25 nang makumpiska sa Clark International Airport sa Pampanga ang mga pork luncheon meat.

Kung maaalala, isang OFW ang humingi ng tulong sa media para mabawi ang mga de latang kinumpiska sa kanya ng mga otoridad sa paliparan sa harap ng ipinatutupad ng ban sa mga pork products mula sa mga bansang apektado ng ASF.


Lumabas sa pagsusuri ni dr. Rachel Azul ng virology section ng Bureau of Animal Industry na positibong kontaminado ng ASF ang mga de lata.

Sa kabila nito, tiniyak ni Agriculture Sec. Manny Piñol na ASF-free pa rin ang Pilipinas.

Wala pa kasi aniyang napapaulat na Swine Fever Infections sa mga alagang baboy sa bansa.

Facebook Comments