Nagpanggap na Labor Laws Compliance Officer, patay sa entrapment operation

Bulacan – Arestado ang isang lalaking nagpanggap bilang Labor Laws Compliance Officer (LLCO) sa entrapment operation na isinagawa ng Philippine National Police sa Meycauayan, Bulacan.

Kinasuhan ang suspek na si Jorge Dimayuga, residente ng Valenzuela ng robbery extortion at usurpation of authority.

Ayon kay DOLE Regional Director Ana Dione, nagpanggap si Dimayuga bilang empleyado ng kagawaran, at humingi ng pera sa Ben Ben Trading para hindi na magsagawa ng joint assessment ang DOLE sa kumpanya.


Pinaalalahanan naman ng DOLE ang publiko kaugnay sa mga nagpapanggap na labor inspector na agad itong i-report sa kanilang tanggapan o sa hotline na 1349.

Facebook Comments