Mga Pasaway na Motorista, Pinuna ng POSD!

Cauayan City, Isabela- Maigting na ginagampan ng Public Order Safety Division o POSD ng Cauayan City ang kanilang pagpapatupad sa batas trapiko dito sa lungsod ng Cauayan subalit marami pa rin umano ang mga pasaway na motorista.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Deputy Chief Antonio De Luna Jr. ng POSD Cauayan City sa ginawang panayam ng RMN Cauayan Kaninang umaga.

Aniya, Karamihan sa mga lumalabag sa batas trapiko ay ang mga tsuper ng tricycle na hindi umano sumusunod sa tamang linya o sa Outerlane part ng daan maging ang mga malalaking sasakyan ay lumalabag din dahil sa hindi pagsunod sa tamang paradahan.


Ayon pa kay Deputy De Luna Jr. na dapat dumaan ang mga tricycle sa outerlane kung saan dito umano ligtas ang kanilang minamaneho kaya’t huwag na umanong makipagsabayan sa inner Lane o sa linya ng mga malalaki at mabibilis na sasakyan upang maiwasan ang aksidente.

Mabibigyan din umano ng ticket ang mga mahuhuling lalabag sa batas trapiko at mayroon namang multang limang daang piso sa mga mahuhuling lumabag na Trycycle Driver.

Dagdag pa ni De Luna Jr. na kaugnay sa araw-araw na naitatalang aksidente sa lungsod ay dahil rin umano sa mga pasaway na motorista na hindi marunong sumunod sa batas trapiko at aniya na mas mainam na sumunod na lamang sa batas trapiko upang makaiwas sa aksidente at paglabag sa batas trapiko.

Samantala, nitong nalalapit na pasukan ay kanila nang babantayan ang mga lansangan na malapit sa mga paaralan lalo na sa mga matataong lansangan.

Facebook Comments