Mga Patok na Handa Tuwing Noche Buena

IMAGE FROM: PAGEONE.PH

Tuwing sasapit ang December 25, hindi nawawala ang mga pagkain na ito sa hapag kainan ng mga Pinoy:

 

IMAGE FROM: YUMMY.PH

Spaghetti/Pancit


Paborito ng mga bata at pati na rin matatanda at kung hindi naman kaya ng budget ay pwede rin namang pansit at bihon na sinasabing pampahaba raw ito ng buhay.

 

Fried Chicken

Bukod sa paborito ng mga bata isa sa mga pampares sa spaghetti.

 

Pata Tim

Nagsisilbing pang-ulam sa mga naghanda ng kanin na swak na swak sa mga panlasang pinoy. Ang ganitong ulam ay madalas na nakikita sa mga handaan. Palagay ng ilang mga nagluluto nito ay pamalit sa lechon na ayon sa pag-aaral ay inihahanda sa mga nakaluwag-luwag sa buhay.

 

IMAGE FROM: YUMMY.PH

Mga Kakanin

Mula sa malagkit na kanin. Ayon sa pamahiin ng Filipino-Chinese ang pagkain ng malagkit na tulad ng mga kakanin ay pampaswerte dahil malagkit ito sinasabi na pati ang bonding ng pamilya ay magiging ganito. Ilan na rito ang biko, sapin-sapin, puto, bibingka, maja blanca at iba pa.

 

IMAGE FROM: GUYANA INC MAGAZINE

Ham

Ang ilan ay mula sa mga pinagsama-samang karne at ang ilan naman ay mula sa isang pinagmulang karne na hinulma at siniksik bilang isang karne. May iba’t ibang paraan ng pagluto nito at ang madalas nito ay steamed lang ang ginagawa sa kanila pero nasa magluluto na ang paraan kung paano nya ito lulutuin, maaaring dagdagan pa nya ng mga pampalasa na tatampok sa panlasa nya na aangkop sa handa.

 

Tinapay

Bihirang mawala sa handaan lalo na kapag may pancit/bihon sa hapagkainan dahil madalas ipalaman pa ito ng mga bata/matanda sa pancit o bihon.

 

IMAGE FROM: DINNER THEN DESSERT

Salad

Isa sa mga karaniwang handa pagpasko. Ang iba’y macaroni salad, na mas mura, at ang iba naman ay buko salad. Isa sa mga ginagawang dessert sa mga handaan.

 

IMAGE FROM: YUMMY.PH

Leche flan

Isa sa mga panghimagas na maaring pamalit sa salad. Ang ilan ay parehong inihahain ang salad at leche flan upang mas makapili ang mga kakain na pamilya at ilang mga bisita.

 


Article written by Oedipus S. Laguador

 

Facebook Comments