Manila, Philippines – Muling binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko hinggil sa paglipana ng mga pekeng pera.
Ito ay kasunod na rin ng pagkaka-aresto sa 3 suspek makaraan ang ikinasang joint operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng mga operatiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Nasabat ang 20 piraso ng pekeng P1,000 sa pag-iingat ng mga suspek na kinilalang sina Richard Ansus, Anthony Cuatico at Irmalynne Pablo.
Ang operasyo ay bunsod na rin ng inilabas na search warrant ng Manila Regional Trial Court branch 50 makaraang makatanggap ng impormasyon ang BSP na si Ansus na isa sa mga arestadong suspek ay nasasangkot sa illegal manufacture, production at proliferation ng pekeng Philippine at foreign bills.
Kasunod nito ipinagharap na ang mga suspek ng reklamong paglabag sa article 168 (illegal possession & use of false treasury/ bank notes & other instruments of credit) at article 176 (manufacture & possession of instruments/implements f9r falsification) sa ilalim ng revised penal code sa Manila Prosecutor's Office.