Mga pelikulang pasok sa MMFF, kumpleto na

Manila, Philippines – Inilabas na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee ang kumpletong listahan ng mga pelikulang pasok sa MMFF 2017 ngayong taon.

Pasok ang “Dedma Walking” ng T-Rex Entertainment , “Siargao” ng Ten17p Productions , “Haunted Forest” ng Regal Entertainment, at “larawan” ng Culturtain Musicat Productions.

Habang pasok na rin ang pelikulang “Ang Panday” ni Coco Martin; “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach; “All Of You” nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay; at “Meant To Beh” nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.


Showing ang mga pelikula simula sa mismong araw ng Pasko, December 25, at magkakaroon ng awards night makalipas ang ilang araw.

Facebook Comments