Rain or Shine player Beau Belga, inaming hindi magiging madali ang laban ng Gilas kontra sa Australia sa Asian qualifiers ng 2019 FIBA world cup

Sports – Inamin ni Rain or Shine center/power forward Beau Belga na hindi magiging madali para sa Pilipinas na kalabanin ang Australia sa Asian qualifiers ng 2019 FIBA World Cup.

Ayon kay Belga, sa tangkad at sa galing ng mga players ng Australia, tiyak na aabot ang mga ito sa huling bahagi ng laro.

Samantala, bago pa man nila pagtuunan ng pansin ang koponan ng Australia, magpo-focus muna umano sila sa koponan ng Japan at ang karibal nilang Chinese Taipei sa Group B ng Asian qualifiers.


Inaasahang magaganap ang Asian qualifiers ng 2019 FIBA world cup sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon.

Facebook Comments