Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petsiyong inihain ng iba’t-ibang grupo at personalidad na kumokontra sa pagpapatupad ng provincial bus ban sa EDSA.
Sa pinalabas na notice ng SC En Banc, nilinaw ng Korte Suprema na taliwas sa doktrina ng Hierarchy of Courts ang apila ng mga petitioners.
Sa ilalim kase ng nasabing polisiya, iniiwasan din masayang ang oras na ginugugol ng isang korte sa pagdinig at pagtutok sa kaso na nasa kanila namang hurisdiksyon, at para maiwasan ang pagkakabinbin ng mga kaso sa dockets.
Niresulba din ng korte ang manifestation at motion na may petsang October 1, 2019 na inihain ng Office of Solicitor General at ang compliance hinggil dito noong November 26, 2019 na inihain ng Quezon City RTC Branch 223.
Nauna rito, naghain ng Petition for Certiorari ang kampo nina Cong. Joey Salceda, Ako Bicol Partylist at Bayan Muna para ipatigil ang MMDA sa pagpapatupad ng regulation no. 19-002 series of 2019.
Ang nasabing kautusan ng mmda ay pipigil sa public utility bus terminals para makapag-operate sa edsa, at ilipat sa mga bubuksang terminals ng gobyerno sa ibat ibang lugar sa metro manila at karatig lalawigan para mapagaan ang daloy ng trapiko sa edsa