Mga Pilipino, inilalaan ang higit 30% ng kanilang budget para sa pagkain ayon sa isang pag-aaral

Inilalaan ng mga Pilipino ang one-third o higit 30% ng kanilang budget para sa budget.

Batay ito sa datos ng data analytics group na Kantar kaugnay sa pag-aaral nila sa spending habits ng 2,000 Filipino respondents nila mula 2018 hanggang 2022.

Ayon sa Kantar, kumakatawan sa 49% ng kanilang gastusin ng Filipino households ang utilities, transportation at food noong 2018.


Pumalo ito sa 57% noong 2020 sa kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic at lumagapak sa 46% ngayong taon nang lumuwag ang mga restrictions at pagbubukas muli ng ekonomiya.

Lumalabas na noong 2018 ay one-third o 33% ang inilaan para sa fresh at packaged food habang tumaas ito sa 37% noong 2020 at bumaba sa 31% ngayong taon.

Paliwanag ng Kantar, nagsimula na kasing kumain sa labas muli ang mga Pilipino mula sa lahat ng socioeconomic class dahil sa pagluwag ng quarantine restrictions.

Mababatid na inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang food threshold para sa pamilyang Pilipino na may limang miyembro noong 2021 ay 8,379 pesos kada buwan o katumbas ng 279 pesos kada araw o 18.62 pesos kada kain ng isang miyembro.

Facebook Comments