Mga Pilipino sa UAE, handa na ring ilikas ng embahada

Handa na ang embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates (UAE) na i-repatriate ang mga Pilipinong maaapektuhan ng tensyon sa Middle East.

Sa abiso ng embahada, tiniyak nila ang kahandaan ng gobyerno na ilikas ang mga Pilipino sa UAE upang hindi madamay sa nagpapatuloy na krisis.

Nagbigay na rin sila ng contact information sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho doon.


Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tutungo ng UAE si Labor Undersecretary Claro Arellano para tumulong sa repatriation efforts.

Facebook Comments