Mga Pilipinong naniniwalang tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangako nito sa bayan, mataas pa rin ang bilang

Manila, Philippines – Mataas pa rin ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ipinangako nito noong kasagsagan ng 2016 election campaign.

Batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), isa sa kada-dalawang Pilipino o halos 53 percent ang tiwala na maisasakatuparan ng Pangulo ang mga pangakong plataporma nito.

Gayunman, bumaba ito mula sa 63 percent na naitala noong June at 56 percent noong September, 2016.


Tumaas naman sa 47 percent ang nagsasabing ilan lamang o walang magkakatotoo sa kanyang mga pangako.

Samantala, tumaas ng 13 points ang optimism rate ng Pangulo sa Mindanao pero nabawasan naman sa Luzon at Visayas.

Isinagawa ang survey mula March 25 hanggang 28 na nilahukan 1, 200 respondents.

 

Facebook Comments