Mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa China, gumaling na

Gumaling na ang karamihan sa mga Plipino sa China na nahawaan ng COVID-19.

Sinabi ito ni Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz sa Laging Handa briefing kung saan pinag-usapan ang wave ng COVID-19 sa buong China.

Aniya, nakalagpas na rito ang malalaking siyudad tulad ng Beijing at Shanghai kung saan may mga Pilipino ang tinamaan ng sakit.


Sa ngayon, sinabi ni Florcruz na karamihan naman sa mga Filipino sa China ay balik na sa kanilang trabaho sa mga opisina o kaya ay salitan sa pagpasok on site.

Sa tingin ni Florcruz, kontrolado na ang sitwasyon ng COVID-19 sa China.

Sa katunayan, bukas na aniya simula pa kahapon ang border ng China para sa mga bisita o turista galing sa iba’t ibang bansa.

Marami na aniyang mga residente, mga bisita o dayuhan ang nakalalabas na at hindi na kailangang mag-quarantine pa.

Kailangan lamang aniya ay magpakita ng vaccination card at nakuhanan ng COVID-19 test 48 hours bago ang pagdating sa nasabing bansa.

Nilinaw naman ni Florcruz na bagaman bukas na ang border ng China, nakasalalay pa rin sa pag-apruba ng embahada ng China ang pag-apruba para sa mga mag-a-apply ng tourist visa.

Facebook Comments