Halos 250,000 na deboto, dumagsa sa Simbahan ng Quiapo ngayong araw

Umabot na 246,250 ang bilang ng mga debotong dumating dito sa Quiapo Church para sa Pista ng Itim na Nazareno.

Batay sa datos ng Quiapo Command Center, mula ala-1:00 hanggang alas-2:00 ng hapon ay nasa 17,600 ang mga debotong dumalo sa misa.

Bahagya itong bumaba kumpara sa bilang ng naunang misa na nasa 25,400.


Sa kasalukuyan, idinaraos na rito ang ika-dalawamput apat na misa mula kahapon ng alas-3:00 ng madaling araw at magpapatuloy pa ang hourly masses hanggang mamayang gabi.

Samantala, wala namang naitatalang major emergency incident sa selebrasyon.

Puspusan din ang pag-aalalay ng mga hijos at kapulisan sa mga debotong pumapasok at nasa paligid ng simbahan.

Facebook Comments