Sumailalim na rin sa pagsasanay sa pagresponde sa kalamidad ang cabin crew at mga piloto ng Air Asia.
Ayon kay Ricky Isla, Chief Executive Officer ng Air Asia, mayroon din silang mga cabin crew na registered nurses na maaaring magbigay ng medical attention sa mga pasahero at tumutulong sa pagresponde sa mga kalamidad.
Ang Air Asia kasi ay nangungunang air carrier na nagsasagawa ng medical missions bukod pa sa mercy flights kung saan ginagamit ang kanilang mga aircraft sa pag-airlift ng relief goods sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Ayon kay Steve Dailisan, head ng Communications and Public Affairs ng Air Asia, kabilang dito ang mercy flight noon ng nasabing airline sa Catanduanes nakapaghatid agad sila ng relief goods sa mga residente ng isla na matinding hinagupit ng Bagyong Rolly noong taong 2020.
Ayon pa kina Isla at Dailisan, malaking tulong din ang pakikipagtulungan sa kanila ng Philippine Air Force at Philippine Army sa pagsasagawa ng charity works.
Kaugnay nito, patuloy ang pagpasok ng Air Asia ng mga kasunduan sa mga foundation tulad ng Lingkod Kapamilya Foundation para mas mapaigting pa ang kanilang paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Ang RMN Networks Inc. ay isa rin sa media partners ng Air Asia.