Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga pinoy na naniniwalang gaganda ang kanilang buhay ngayong taon.
Sa latest survey ng Social Weather Stations para sa 1st quarter ng 2017 – 43% percent ng mga pinoy ang umaasang gaganda ang kanilang buhay sa loob ng 12 buwan.
Habang anim na porsyento ang naniniwala namang lalala ang sitwasyon ng kanilang pamumuhay.
Dahil dito, naitala ang net personal optimism ng mga pinoy sa positive 36, mas mababa ng siyam na puntos mula sa positive 45 net score noong December 2016.
Samantala, bumaba din ang bilang ng mga pinoy na naniniwalang gaganda ang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Nasa 47 percent ng mga pilipino ang positibo sa magiging lagay ng ekonomiya na mas mababa kumpara sa 51 percent sa mga nakalipas na survey.
Ang SWS survey ay isinagawa noong march 25 hanggang 28 sa may 1,200 respondents.
DZXL558