Sen. Alan Peter Cayetano – walang pagod na nakalusot committee level ng Commission on Appointments

129

Manila, Philippines – Tulad ng inaasahan, mabilis na nakalusot sa Commission on Appointments si Sen. Alan Peter Cayetano.

Binigyan ng pagkakataon ni CA Committee on Foreign Relations Chairman Senator Panfilo Ping Lacson si Cayetano na maglahad ng kanyang opening statement kung saan niya idinetalye ang kanyang mga accomplishments bilang mambabatas at public servant.


Walang nagtanong o tumutol, kaya sa loob lamang ng dalawang minuto ay agad nang inaprubahan ng komite ang nominasyon ni Cayetano bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Mamayang ala una ng hapon ay sasalang si Cayetano sa CA plenary para pagtabayin ang kanyang kumpirmasyon bilang DFA Secretary.

Nagpasalamat naman si Cayetano sa mabilis na paglusot ng kanyang kumpirmasyon sa committee level ng CA.

Itinuturing ni Senate Presidente Koko Pimentel na isang kawalan sa senado si Cayetano.
Bukas ay magsisimula si Cayetano nang umupo bilang bagong kalihim ng DFA.




DZXL558

Facebook Comments