Mga Pinoy, pinag-iingat ng OWWA laban sa mga pekeng job offers online

Nagbabala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Pilipino na nais magtrabaho sa abroad.

Ayon sa ahensiya, huwag umano basta-basta papatol sa mga pekeng overseas job offers online.

Ang panawagan na ito ng OWWA ay kasunod na rin ng pagkakaaresto sa dalawang Taiwanese nationals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos mambiktima ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pekeng online overseas job offers.

Nailigtas naman sa operasyon ang limang mga kababayan na nabiktima ng tangkang human trafficking.

Batay sa imbestigasyon, inalok ang mga biktima ng trabaho sa Cambodia bilang “Customer Service Representatives, na pinangakuan ng sahod na USD$800–1,000 kada buwan.

Subalit, natuklasan ng mga awtoridad na peke ang alok na trabaho at konektado sa mga cyber fraud operations na laganap sa Southeast Asia.

Facebook Comments