Mga Pinoy sa Israel, pinag-iingat ng embahada sa gitna ng kasalukuyang banta sa seguridad ng Israel

Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga Pilipino doon sa gitna pa rin ng kasalukuyang banta sa seguridad ng bansa.

Ayon sa Embahada, mabuting umiwas muna ang mga Pinoy sa Gaza envelope at mga lugar na malapit sa confrontation line para na rin sa kanilang kaligtasan.

Inabisuhan rin ng Embahada ang publiko at mga Pinoy sa mga matataong lugar o outdoor settings.


Mainam ding subaybayan ang mga balita sa Facebook page ng embahada ng Pilipinas at puwede silang magpadala dito ng mensahe kapag mayroon silang pangangailangan.

Ang pag-atake ay kasunod ng pangako ng Iran na gaganti sa airstrike ng Israel na iniuugnay sa Israel na gumiba sa consulate building ng Iran sa Damascus, Syria.

Sa naturang strike, pitong military advisers ang namatay kabilang na ang tatlong top commander ng revolutionary guard ng Iran.

Facebook Comments