Nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa mga Pilipino sa Tripoli sa Libya na mag-ingat matapos ang marahas na sagupaan doon.
Kasunod ito ng pagkakasawi ng 13 katao sa bakbakan na sumiklab sa pagitan ng mga armadong grupo sa Tripoli.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Libya, bagama’t walang Pinoy na nadamay sa nasabing sagupaan, patuloy silang naka-monitor sa sitwasyon doon.
Nakahanda rin anila ang tulong sa mga Pilipino na maaaring maapektuhan ng kaguluhan.
Nauna nang nag-ugat ang kaguluhan sa Libya dahil sa pag-aagawan sa kapangyarihan ng dalawang prime ministers nito.
Facebook Comments