8-division world champion Manny Pacquiao, balik boxing sa isang charity exhibition match

211

Balik boxing ring si 8-division world champion at dating senador Manny Pacquiao.

Ito ay matapos pumayag siya na makaharap si Korean martial fighter DK Yoo In sa isang exhibition match.

Ang naturang laban ng dalawa ay magaganap sa Disyembre sa Seoul, South Korea.


Kasunod nito, sinabi ni Pacquiao na ang kikitain niya ay ibibigay tulong sa Pacman Villages.

Ito ang unang pagkakataon na muling magsusuot ng gloves at tatapak sa ring si Pacquiao matapos matalo kay Cuban Yordenis Ugas noong 2021.

Samantala, nanindigan naman si Pacquiao na siya ay retired na.



Facebook Comments