Mga Pinoy sa Singapore, inalerto ng Philippine Embassy sa harap ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon

Inalerto ng Philippine Embassy sa Singapore ang mga Pilipino doon sa harap ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 infection sa Singapore.

Ito ay lalo na’t inaasahan ang patuloy na COVID-19 waves ngayong taon na ito.

Pinaiiwas din ng embahada ang Filipino community sa paglabas o pakikihalubilo sa maraming tao.

Inalerto rin ng embassy ang mga Pinoy na bibiyahe patungong Singapore na dagdagan ang kanilang pag-iingat.

Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Singapore na magpaturok ng panibagong bakuna kontra COVID-19.

Una nang kinumpirma ng health officials sa Singapore na tumaas din ang bilang ng mga nao-ospital doon dahil sa infection, bagama’t bumaba ang bilang ng mga nalalagay sa Intensive Care Unit.

Facebook Comments