Mga Pinoy sa Ukraine, ayaw umuwi ng Pilipinas sa kabila ng tensyon doon

Kinumpirma ng Filipino community sa Ukraine na maraming Pinoy doon ang hindi mag-a-avail ng alok na repatriation ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ilan kasi sa mga Pinoy doon ay kinuhaan na ng visa ng kanilang employers para lumipat sa ibang bansa.

Ayon pa sa Filipino community, nangangamba sila na wala trabahong mapapasukan sa Pilipinas.


Bukod pa sa may mga employers na tinaasan sila ng sahod at nangako na mapoprotektahan sila doon.

Sa ngayon normal naman ang sitwasyon sa Ukraine.

Anila, tila sa mga balita lamang lumalabas na tensyonado ang sitwasyon doon.

Facebook Comments