Iniutos na ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa mga police commanders na makipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) na sakop ng kanilang area of responsibility para sa paghahanda sa muling pagbubukas ng mga tourist spots.
Ito ay sa harap na rin ng anunsyo ng LGU ng Cavite at Tagaytay na magbubukas na sila ng kanilang tourist spots.
Ayon kay Eleazar, maaaring maging motivation ng ibang LGU ang ginawa ng Tagaytay at Baguio para buksan na rin ang kanilang tourist spots upang manumbalik ang local economy na matinding apektado dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Eleazar na obligasyon ng mga police commanders na matiyak na magiging balanse ang pagbabalik ng local economy at health safety ng mga tao ngayong may pandemya.
Giit ng opisyal, dapat ay kasama rin ang mga police commanders sa pagpaplano para masiguro ang security at health safety ng mga residente at turista.