Mga PPE para sa ospital sa Sulu, nai-deliver kahit masama ang panahon

Sa kabila ng sama ng panahon, matagumpay na nai-deliver ang 136 na kahon ng mga Personal Protective Equipment (PPE) sa Sulu Sanitarium Hospital na mayroong mga active cases ng COVID-19.

Mismong si National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. personal na tumungo sa Jolo Sulu para ibigay ang mga PPE.

Ayon kay Galvez, maaantala sana ang pagdadala ng mga PPE dahil sa sama ng panahon pero naituloy rin sa tulong ng C295 military aircraft.


Matatandaang nang magsimula ang pandemya ay mahigpit na binantayan ng Metro Jolo Inter-Agency Task Group ang main entry at exit passage sa lalawigan na naging dahilan ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan at iba pang probinsya sa Mindanao.

Samantala sa panig ng Philippine National Police (PNP), kahapon nakapagtala ang PNP health Service nang panibagong 25 kaso ng COVID-19 kaya umaabot na sa 7,054 ang nagpositibo sa hanay ng PNP.

65 na PNP Personnel naman ang naitalang gumaling kahapon kaya umaabot na sa 6,462 ang recoveries at nananatili sa 22 ang nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments