Mga pribadong eskwelahan, nanganganib mabangkarote dahil sa maling pagbubuwis ng BIR

Ibinabala ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagkabangkarote ng mga pribadong paaralan dahil sa 150-percent increase sa income tax na ipinataw rito ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Pahayag ito ni Recto kasunod ng pagpapatupad ng BIR ng 25-percent na corporate income tax sa mga pribadong paaralan.

Nagtataka si Recto kung paano nagkaroon ng maling interpretasyon ang BIR sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act.


Ayon kay Recto, title pa lang ng batas ay malinaw na ang intensyon nito ay para tulungan ang mga private schools na labis ding naapektuhan ng ng pandemya.

“Yung title pa lang ng batas, malinaw na kung ano ang intensyon nito: Corporate Recovery and Tax Incentives. So how can the BIR invoke it to inflict a 150 percent increase on the income tax of private schools,” ani Recto.

“CREATE is meant to bail out distressed private schools. The BIR order further drowns them in a sea of red ink,” dagdag pa ng senador.

Itinatakda ng CREATE law na ibaba sa 1-percent ang dating 10-porsiyento na buwis na ipinapataw sa mga pribadong eskwelahan pero taliwas dito ang hakbang ng BIR.

“BIR should unilaterally withdraw a regulation based on wrongful interpretation. It is illogical, absurd and goes against the spirit of the law,” sabi ni Recto.

Kaugnay nito ay sinuportahan ni Recto ang Senate Bill 2272 na inihain ni Senator Sonny Angara na layuning amyendahan ang National Internal Revenue Code para maitama ang maling interpretasyon sa pagpapataw ng buwis sa mga educational institutions.

Facebook Comments