Mga pribadong kompanya, dapat magsagawa ng regular random COVID-19 testing sa kanilang mga empleyado

Hinikayat ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang mga pribadong kompanya na isailalim sa regular random COVID-19 testing ang kanilang mga empleyado.

Ayon kay Villanueva, mainam kung tutustusan ito ng pamahalaan o kaya ng Local Government Units (LGUs) pero dahil hindi ito sigurado ay kailangang magsakripisyo ang pribadong sektor at maglaan ng pondo.

Paliwanag ni Villanueva, pabor din sa mga kompanya kung masisigurong maayos ang kalusugan ng kanilang mga empleyado ngayong may pandemya.


Ang regular random COVID-19 testing ay inirerekomenda rin ni Villanueva sa gobyerno para madetermina ang totoong bilang ng positibong kaso ng virus at gaano na kalawak ang pagkalat nito sa bansa upang magawa ang nararapat at epektibong hakbang.

Facebook Comments