Mga Pribadong sektor at paaralan, pinarangalan ng Mandaluyong City LGU dahil sa suporta sa COVID-19 vaccination

Binigyan ng pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Mandaluyong ang mga Private Companies at Private Schools sa kanilang naiambag at suporta sa Local Government Unit (LGU) sa bakunahan kontra sa COVID-19.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, personal mismo nitong ini-abot ang mga Certificates at plaques of appreciation sa mga kinatawan ng La Salle Green Hills, Jose Rizal University (JRU), Rizal Technological University (RTU), Manuela Corporation (Starmall Edsa-Shaw), Shangri-La Plaza Corporation (Shangri-La Mall), Robinsons Land Corporation (Forum Robinsons), at SM Megamall Shopping Center Management (SM Megamall).

Paliwanag ng alkalde, malaking tulong ang ginagampanan ng mga ito dahil sa pagpapagamit ng kanilang lugar bilang vaccination centers.


Una nang sinabi ni Department of Health-NCR Regional Director, Dr. Gloria Balboa na ang Mandaluyong ay isa sa lungsod sa National Capital Region (NCR) na mabilis ang naging vaccine rollout dahil sa kanilang slogan na “Gawa, Hindi Salita”.

Facebook Comments