Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga pribadong kompanya na hindi pa sila maaaring magbigay ng booster shots sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inirerekomenda lamang ang pagbibigay ng booster shots para sa mga priority group kabilang ang healthcare workers, senior citizens at piling immunocompromised individuals.
Hinikayat naman ni Vergeire ang mga pribadong kompanya na magkaroon ng “loan agreement” sa gobyerno kung mayroon silang mga bakuna na malapit nang ma-expire.
Nauna nang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na posibleng sa 2022 pa mabigyan ng booster shots ang general public.
Facebook Comments