Mga problema sa PUV Modernization program, pina-plantsa na ng DOTr bago tuluyang maisabatas

Tinututukan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtugon sa mga problema sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) program.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon na kinakailangang ma-plantsa muna ito at maging mas epektibo habang hindi pa naisasabatas ang PUVM Act.

Malaking bagay kasi aniya sakaling maisabatas ito, dahil matitiyak ang kaligtasan ng mga pasahero lalo’t maraming maaaring maipaloob dito.

Halimbawa na lamang ang pagbibigay ng tax incentives at mga karagdagang subsidiya kung kailangan upang maipagpatuloy ang pagsa-samoderno ng mga sasakyan.

Umaasa naman ang DOTr na maisabatas na ang PUVM Act sa susunod na Kongreso.

Facebook Comments