MGA PRODUKTO NG SAN FERNANDO LAUNION, MAS PINAPALAWIG ANG PAGPAPAKILALA PARA SA KANILANG TURISMO

Mas pinalalawig pa ng lungsod ng San Fernando, La Union ang pagpapakilala ng kanilang mga kilalang produkto para sa pagpapaunlad ng kanilang turismo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kompetisyon na maaaring maging daan sa pagpapakilala ng mga produkto nila.
Kamakailan ay nagsawa ng kompetisyon ang lungsod sa Agro-Tourism and Community Fair kung saan naging tampok ang mga tanim ng mga magsasaka at pati mga isdang huli ng mga mangingisda sa kanilang lungsod.
Mula sa siyam na distrito sa naturang lungsod ang naging kabilang sa kompetisyon kung saan kanya-kanyang pakita sila ng kanilang mga ipinagmamalaking ani.

Bukod pa rito ay sumali rin sa team building activity ang mga grupo at kooperatiba ng City Agricultural and Fishery Council, City Fisheries and Aquatic Resource Management Council, Rural Improvement Clubs, at City of San Fernando Community Fish Landing Center Marketing Cooperative. |ifmnews
Facebook Comments