Minomonitor na ngayon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang mga professor na nagre-recruit ng mga estudyante para maging miyembro ng komunistang grupo.
Ito ang kinumpirma ni Interior and Local Gov’t Secretary Eduardo Año.
Aniya ang mga nasabing professor ay miyembro ng Legal Front Organizations ng CPP-NPA na nagrerecruit ng mga kabataan.
Ang pagkakaiba lang ng mga ito ay hindi masyadong agresibo.
Sinabi ni ng kalihim makikipag ugnayan sila sa mga school authorities para maging malaman ng mga ito ang modus ng CPP NPA sa pagrerecruit ng mg estudyante.
Sa ngayon niya walang mga pulis na nakatututok para magbantay sa mga eskwelahan pero kung magkakaroon ng pagtutulungan ang mga law enforcement agencies at mga school authorities ay mapipigilan ang infiltration o pagpasok ng komunistang grupo sa mga student organizations.