Mga programa ng administrasyong Duterte na nakatulong sa human rights campaign, inilatag ng Malakanyang

Inilatag ng Malakanyang ang mga programang ipinatupad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na anim ng taon.

Layon ng mga programang ito na bawasan ang hindi pagkapantay-pantay sa karapatang-pantao.

Ayon kay Presidential Human Rights Committee Secretary at Executive Secretary Salvador Medialdea, kasama sa mga programang ito ang mga sumusunod;


Libreng edukasyon para sa mga mag-aaral sa kolehiyo
Pangkalahatang access sa healthcare program
Build, Build, Build Program
Social Amelioration Program para sa mga Pilipino
Pagtugon sa COVID-19 pandemic
At ang pagbuhay sa ekonomiyang naapektuhan nito

Ngayong taon ang ika-73rd Anniversary ng Universal Declaration ng Human Rights (UDHR) kung saan maraming ahensiya ng gobyerno ang nakiisa rito.

Facebook Comments